13 Sino ang makakapagsabi ng dapat gawin ni Yahweh?May makakapagturo ba o makakapagpayo sa kanya?
14 Sino ang kanyang puwedeng sanggunian para maliwanagan?Sinong nagturo sa kanya ng landas ng katarungan?Sinong nagkaloob sa kanya ng kaalaman at ng paraan upang makaunawa?
15 Sa harap ni Yahweh ang mga bansa ay walang kabuluhan,tulad lang ng isang patak ng tubig sa isang sisidlan;at ang mga pulo ay parang alikabok lamang ang timbang.
16 Hindi sapat na panggatong ang lahat ng kahoy sa Lebanon.Kulang pang panghandog ang lahat ng hayop sa gubat roon.
17 Sa kanyang harapan, ay walang halaga ang lahat ng bansa.
18 Saan ninyo ihahambing ang Diyosat kanino ninyo siya itutulad?
19 Siya ba'y maihahambing sa mga imaheng ginawa ng tao,na binalutan ng ginto,at ipinatong sa pilak?