20 Hindi rin siya maitutulad sa rebultong kahoymatigas man ang kahoy at hindi nabubulok,na nililok upang hindi tumumbaat mabibili lang sa murang halaga.
21 Hindi ba ninyo nalalaman?Wala bang nagbalita sa inyo noon,kung paano nagsimulang likhain ang sanlibutan?
22 Ang lumikha nito ay ang Diyos na nakaupo sa kanyang trono doon sa kalangitan;mula roon ang tingin sa tao'y parang mga langgam.Ang langit ay iniladlad niyang tulad ng kurtina,tulad ng tolda upang matirahan.
23 Inaalis niya ang mga pinuno sa kapangyarihan,at ginagawang walang kabuluhan.
24 Tulad nila'y mga halamang walang ugat,bagong tanim at natutuyo agad;at tila dayaming tinatangay ng hangin.
25 Kanino ninyo ihahambing ang banal na Diyos?Mayroon ba siyang katulad?
26 Tumingala kayo sa langit!Sino ba ang lumikha ng mga bituin?Sino ba ang sa kanila'y nagpapakilos,at sino ba ang nagbigay ng kanilang pangalan?Dahil sa kanyang dakilang kapangyarihan,walang nawala sa kanila kahit isa man.