25 Kanino ninyo ihahambing ang banal na Diyos?Mayroon ba siyang katulad?
26 Tumingala kayo sa langit!Sino ba ang lumikha ng mga bituin?Sino ba ang sa kanila'y nagpapakilos,at sino ba ang nagbigay ng kanilang pangalan?Dahil sa kanyang dakilang kapangyarihan,walang nawala sa kanila kahit isa man.
27 Israel, bakit ka ba nagrereklamona tila hindi pansin ni Yahweh ang kabalisahan mo,o hindi inalalayan sa kaapihang naranasan?
28 Hindi ba ninyo nalalaman, di ba ninyo naririnig?Na itong si Yahweh, ang walang hanggang Diyos,ang siyang lumikha ng buong daigdig?Hindi siya napapagod;sa isipan niya'y walang makakaunawa.
29 Ang mahihina't mga napapagod ay kanyang pinapalakas.
30 Kahit na ang mga kabataan ay napapagodat nanlulupaypay.
31 Ngunit muling lumalakasat sumisigla ang nagtitiwala kay Yahweh.Lilipad silang tulad ng mga agila.Sila'y tatakbo ngunit hindi mapapagod,sila'y lalakad ngunit hindi manghihina.