6 “Magpahayag ka!” ang sabi ng tinig.“Ano ang ipahahayag ko?” tanong ko.Sumagot siya, “Ipahayag mong ang lahat ng tao ay tulad ng damo,ang kanyang buhay ay tulad lamang ng bulaklak sa parang.
7 Natutuyo ang damo, kumukupas ang mga bulaklak,kapag sila'y mahipan ng hanging mula kay Yahweh.Tunay ngang ang tao ay tulad ng damo.
8 Oo, ang damo'y nalalanta, at kumukupas ang mga bulaklak,ngunit ang salita ng ating Diyos ay mananatili magpakailanman.”
9 Umakyat ka sa tuktok ng bundok, O Zion,magandang balita ay iyong ipahayag, O Jerusalem!Sumigaw ka at huwag matatakot,sabihin mo sa mga lunsod ng Juda,“Narito na ang inyong Diyos!”
10 Dumarating ang Panginoong Yahweh na taglay ang kapangyarihan,dala ang gantimpala sa mga hinirang.
11 At tulad ng pastol, pinapakain niya ang kanyang kawan;sa kanyang mga bisig, ang maliliit na tupa'y kanyang yayakapin.Sa kanyang kandungan ay pagyayamanin,at papatnubayan ang mga tupang may supling.
12 Sino ang makakasukat ng tubig sa dagat sa pamamagitan ng kanyang kamay?Sino ang makakasukat sa lawak ng kalangitan?Sinong makakapaglagay ng lahat ng lupa sa isang sisidlan?Sino kaya ang makakapagtimbang sa mga bundok at burol?