9 Umakyat ka sa tuktok ng bundok, O Zion,magandang balita ay iyong ipahayag, O Jerusalem!Sumigaw ka at huwag matatakot,sabihin mo sa mga lunsod ng Juda,“Narito na ang inyong Diyos!”
10 Dumarating ang Panginoong Yahweh na taglay ang kapangyarihan,dala ang gantimpala sa mga hinirang.
11 At tulad ng pastol, pinapakain niya ang kanyang kawan;sa kanyang mga bisig, ang maliliit na tupa'y kanyang yayakapin.Sa kanyang kandungan ay pagyayamanin,at papatnubayan ang mga tupang may supling.
12 Sino ang makakasukat ng tubig sa dagat sa pamamagitan ng kanyang kamay?Sino ang makakasukat sa lawak ng kalangitan?Sinong makakapaglagay ng lahat ng lupa sa isang sisidlan?Sino kaya ang makakapagtimbang sa mga bundok at burol?
13 Sino ang makakapagsabi ng dapat gawin ni Yahweh?May makakapagturo ba o makakapagpayo sa kanya?
14 Sino ang kanyang puwedeng sanggunian para maliwanagan?Sinong nagturo sa kanya ng landas ng katarungan?Sinong nagkaloob sa kanya ng kaalaman at ng paraan upang makaunawa?
15 Sa harap ni Yahweh ang mga bansa ay walang kabuluhan,tulad lang ng isang patak ng tubig sa isang sisidlan;at ang mga pulo ay parang alikabok lamang ang timbang.