1 Sinabi ni Yahweh,“Tumahimik kayo at makinig, kayo na nasa malalayong lupain!Pag-ibayuhin ninyo ang inyong lakas,at dalhin sa hukuman ang inyong usapin.Doon ang panig ninyo ay papakinggan upang malaman kung sino ang may katuwiran.
2 “Sino ang nagdala sa isang mananakop mula sa silangan,at nagbigay ng tagumpay sa lahat ng kanyang pakikipaglaban?Ang mga hari't mga bansa ay parang alikabok na lumilipadsa bawat hataw ng kanyang tabak;at parang dayaming tinatangay dahil sa kanyang pana.
3 Buong bilis na tinutugis niya ang mga kaaway,ang kanyang mga paa'y hindi halos sumayad sa lupa.
4 Sinong nasa likod ng lahat ng ito?Sinong nagpapagalaw sa takbo ng kasaysayan mula sa pasimula?Akong si Yahweh, na naroon na noon pa man,at mananatili hanggang sa katapusan.
5 “Ito'y nasaksihan ng mga tao sa malalayong lupain,at nanginginig sila sa takot;kaya silang lahat ay lumapit sa akin at sumamba.