3 Buong bilis na tinutugis niya ang mga kaaway,ang kanyang mga paa'y hindi halos sumayad sa lupa.
4 Sinong nasa likod ng lahat ng ito?Sinong nagpapagalaw sa takbo ng kasaysayan mula sa pasimula?Akong si Yahweh, na naroon na noon pa man,at mananatili hanggang sa katapusan.
5 “Ito'y nasaksihan ng mga tao sa malalayong lupain,at nanginginig sila sa takot;kaya silang lahat ay lumapit sa akin at sumamba.
6 Sila-sila ay nagtutulungan at nagpapayuhan, ‘Huwag kayong matakot.’
7 Sinabi ng mga karpintero sa mga panday-ginto, ‘Magandang trabaho!’Hinangaan ng mga gumagawa ng rebulto ang mga nagkabit-kabit nito,at ang sabi, ‘Mahusay ang pagkahinang’;pagkatapos ay ipinako ang rebulto sa patungan nito.
8 “Ngunit ikaw, Israel, na aking lingkodlahi ni Abraham na aking kaibigan.Ikaw ang bayang aking hinirang.
9 Ikaw ay kinuha ko sa mga dulo ng daigdig;sa pinakamalalayong sulok nito,sinabi ko sa iyo noon, ‘Ikaw ay aking lingkod.’Pinili kita at hindi itinakwil.