9 Ikaw ay kinuha ko sa mga dulo ng daigdig;sa pinakamalalayong sulok nito,sinabi ko sa iyo noon, ‘Ikaw ay aking lingkod.’Pinili kita at hindi itinakwil.
10 Ako'y sasaiyo, huwag kang matakot,ako ang iyong Diyos, hindi ka dapat mangamba.Palalakasin kita at tutulungan,iingatan at ililigtas.
11 “Lahat ng may galit sa iyoay mapapahiya,at mamamatay ang sinumang lumaban sa iyo.
12 Hahanapin ninyo sila ngunit hindi makikita,mawawala na sila ng lubusan dito sa lupa.
13 Ako si Yahweh na inyong Diyos,ang magpapalakas sa inyo.Ako ang nagsasabi, ‘Huwag kayong matakot at tutulungan ko kayo.’”
14 Sinabi pa ni Yahweh,“Israel, mahina ka man at maliit,huwag kang matakot, sapagkat tutulungan kita.Ako ang iyong tagapagligtas, ang banal na Diyos ng Israel.
15 Gagawin kitang tulad ng panggiik,na may bago at matatalim na ngipin.Iyong gigiikin ang mga bundok at burol,at dudurugin hanggang maging alabok.