3 Ibibigay ko sa iyo ang nakatagong mga kayamanan at alahas;sa gayon, malalaman mong ako si Yahweh,ang Diyos ng Israel, ang siyang tumawag sa iyo.
4 Tinawag kita sa iyong pangalan,alang-alang sa aking lingkod na si Israel na aking hinirang.Binigyan kita ng malaking karangalan,kahit hindi mo ako nakikilala.
5 Ako si Yahweh, ako lamang ang Diyos at wala nang iba;palalakasin kita, kahit hindi mo ako nakikilala.
6 Ginawa ko ito upang ako ay makilalamula sa silangan hanggang kanluran,at makilala nila na ako si Yahweh,ako lamang ang Diyos at wala nang iba.
7 Ako ang lumikha ng dilim at liwanag;ako ang nagpapahintulot ng kaginhawahan at kapahamakan.Akong si Yahweh ang nagpapasya ng lahat ng ito.
8 Padadalhan kita ng sunod-sunod na tagumpay,parang mga patak ng ulan na bumabagsak sa lupa;dahil dito'y maghahari sa daigdig ang kalayaan at katarungan.Akong si Yahweh ang magsasagawa nito.”
9 Ang palayok ba ay makakatutol sa gumawa sa kanya?Maitatanong ba ng putik sa magpapalayok kung ano ang ginagawa nito?Masasabi ba ng palayok na hindi sanay ang gumawa sa kanya?