4 Tinawag kita sa iyong pangalan,alang-alang sa aking lingkod na si Israel na aking hinirang.Binigyan kita ng malaking karangalan,kahit hindi mo ako nakikilala.
5 Ako si Yahweh, ako lamang ang Diyos at wala nang iba;palalakasin kita, kahit hindi mo ako nakikilala.
6 Ginawa ko ito upang ako ay makilalamula sa silangan hanggang kanluran,at makilala nila na ako si Yahweh,ako lamang ang Diyos at wala nang iba.
7 Ako ang lumikha ng dilim at liwanag;ako ang nagpapahintulot ng kaginhawahan at kapahamakan.Akong si Yahweh ang nagpapasya ng lahat ng ito.
8 Padadalhan kita ng sunod-sunod na tagumpay,parang mga patak ng ulan na bumabagsak sa lupa;dahil dito'y maghahari sa daigdig ang kalayaan at katarungan.Akong si Yahweh ang magsasagawa nito.”
9 Ang palayok ba ay makakatutol sa gumawa sa kanya?Maitatanong ba ng putik sa magpapalayok kung ano ang ginagawa nito?Masasabi ba ng palayok na hindi sanay ang gumawa sa kanya?
10 May anak bang magtatanong sa kanyang ama, “Bakit ikaw ang aking naging ama?”At sa kanyang ina, “Bakit mo ako ipinanganak?”