1 Sina Bel at Nebo na dati'y sinasamba ng mga taga-Babilonia;ngayo'y isinakay na sa likod ng mga asno at baka,at naging pabigat sa likod ng mga pagod na hayop.
2 Hindi nila mailigtas ang kanilang sarili.Sila'y parang mga bihag na itinapon sa malayo.
3 “Makinig kayo sa akin, lahi ni Jacob,kayong nalabi sa bayang Israel;kayo'y inalagaan ko mula sa inyong pagsilang.
4 Ako ang inyong Diyos.Iingatan ko kayo hanggang sa pumuti ang inyong buhok at kayo'y tumanda.Kayo'y nilikha ko kaya tungkulin kona kayo'y iligtas at tulungan.”