2 Hindi nila mailigtas ang kanilang sarili.Sila'y parang mga bihag na itinapon sa malayo.
3 “Makinig kayo sa akin, lahi ni Jacob,kayong nalabi sa bayang Israel;kayo'y inalagaan ko mula sa inyong pagsilang.
4 Ako ang inyong Diyos.Iingatan ko kayo hanggang sa pumuti ang inyong buhok at kayo'y tumanda.Kayo'y nilikha ko kaya tungkulin kona kayo'y iligtas at tulungan.”
5 Sinabi ni Yahweh, “Saan ninyo ako itutulad?Mayroon bang makakapantay sa akin?
6 Binuksan nila ang kanilang sisidlan, ibinuhos ang mga gintong laman,at nagtimbang sila ng mga pilak.Umupa sila ng platero at nagpagawa ng diyus-diyosan;pagkatapos ay niluhuran nila at sinamba ito.
7 Pinapasan nila ito para ilibot sa ibang lugar,pagkatapos ay ibabalik sa kanyang lalagyan.Mananatili ito roon at hindi makakakilos.Dalanginan man ito'y hindi makakasagot,at hindi makatutulong sa panahon ng pagsubok.
8 “Ito ang inyong tandaan, mga makasalanan,ang bagay na ito ay alalahanin ninyo.