10 “Panatag ka sa paggawa ng kasamaan;sapagkat iniisip mong walang nakakakita sa iyo.Iniligaw ka ng iyong karunungan at kaalaman,ang palagay mo sa sarili'y ikaw ang Diyos,wala nang hihigit pa sa iyo.
11 Ngunit darating sa iyo ang kapahamakan,at walang makakahadlang kahit ang nalalaman mo sa salamangka;darating sa iyo ang sumpa, at hindi mo ito maiiwasan.Biglang darating sa iyo ang pagkawasak,na hindi mo akalaing mangyayari.
12 “Itago mo na lang ang salamangkang alam mo mula pa sa iyong kabataan,baka sakaling magamit mo pa iyan bilang panakot sa iyong kaaway.
13 Wala kang magagawa sa kabila ng maraming payo sa iyo;patulong ka man sa inaasahan mong mga astrologo,sa mga taong humuhula ng mangyayari bukas, batay sa kalagayan ng kalangitan at mga bituin.
14 “Sila'y parang dayaming masusunog,kahit ang sarili nila'y hindi maililigtas sa init ng apoy;sapagkat ito'y hindi karaniwang initna pampaalis ng ginaw.
15 Walang maitutulong sa iyo ang mga astrologona hinihingan mo ng payo sa buong buhay mo.Sapagkat ikaw ay iiwan na nila,walang matitira upang iligtas ka.”