7 Sapagkat akala mo'y mananatili kang reyna habang panahon.Hindi mo na naisip na magwawakas ito pagdating ng araw.
8 “Pakinggan mo ito, ikaw na mahilig sa kalayawan,at nag-aakalang ikaw ay matiwasay.Ang palagay mo sa sarili'y kasindakila ka ng Diyos,at ang paniwala mo'y wala kang katulad;inakala mong hindi ka mabibiyuda,at hindi mo mararanasan ang mamatayan ng anak.
9 Ngunit isang araw, sa loob lamang ng isang saglit,anumang salamangka o mahika ang iyong gawin,mangyayari ang dalawang bagay na ito:Mawawala ang iyong asawa at ang iyong mga anak!
10 “Panatag ka sa paggawa ng kasamaan;sapagkat iniisip mong walang nakakakita sa iyo.Iniligaw ka ng iyong karunungan at kaalaman,ang palagay mo sa sarili'y ikaw ang Diyos,wala nang hihigit pa sa iyo.
11 Ngunit darating sa iyo ang kapahamakan,at walang makakahadlang kahit ang nalalaman mo sa salamangka;darating sa iyo ang sumpa, at hindi mo ito maiiwasan.Biglang darating sa iyo ang pagkawasak,na hindi mo akalaing mangyayari.
12 “Itago mo na lang ang salamangkang alam mo mula pa sa iyong kabataan,baka sakaling magamit mo pa iyan bilang panakot sa iyong kaaway.
13 Wala kang magagawa sa kabila ng maraming payo sa iyo;patulong ka man sa inaasahan mong mga astrologo,sa mga taong humuhula ng mangyayari bukas, batay sa kalagayan ng kalangitan at mga bituin.