14 Ngunit ang sabi ng mga taga-Jerusalem,“Pinabayaan na tayo ni Yahweh.Nakalimutan na niya tayo.”
15 Ang sagot ni Yahweh,“Malilimot kaya ng ina ang sarili niyang anak?Hindi kaya niya mahalin ang sanggol niyang iniluwal?Kung mayroon mang inang lumilimot sa kanyang anak,hindi ko kayo kakalimutan kahit sandali.
16 Jerusalem, hinding-hindi kita malilimutan.Pangalan mo'y nakaukit sa aking mga palad.
17 Malapit nang dumating ang muling magtatayo sa iyo,at ang nagwasak sa iyo ay paalis na.
18 Tumingin ka sa paligid at masdan ang nangyayari.Ang mga mamamayan mo'y nagtitipun-tipon na upang umuwi.Ako si Yahweh, ang Diyos na buháy,ang nagsasabi: ipagmamalaki mo sila balang araw,tulad ng babaing ikakasal na suot ang kanyang mga alahas.
19 “Aking pinabayaan na mawasak ang iyong bansa,ngunit ngayon ito'y magiging masikip sa dami ng tao;at ang mga taong dumurog sa iyoay itatapon sa malayo.
20 Sasabihin ng mga anak mo balang arawna isinilang sa pinagtapunan sa inyo:‘Ang bayang ito'y maliit na para sa atin.Kailangan natin ang mas malaking tirahan.’