18 Tumingin ka sa paligid at masdan ang nangyayari.Ang mga mamamayan mo'y nagtitipun-tipon na upang umuwi.Ako si Yahweh, ang Diyos na buháy,ang nagsasabi: ipagmamalaki mo sila balang araw,tulad ng babaing ikakasal na suot ang kanyang mga alahas.
19 “Aking pinabayaan na mawasak ang iyong bansa,ngunit ngayon ito'y magiging masikip sa dami ng tao;at ang mga taong dumurog sa iyoay itatapon sa malayo.
20 Sasabihin ng mga anak mo balang arawna isinilang sa pinagtapunan sa inyo:‘Ang bayang ito'y maliit na para sa atin.Kailangan natin ang mas malaking tirahan.’
21 Sasabihin mo naman sa iyong sarili,‘Kaninong anak ang mga iyon?Nawala ang mga anak ko, at ako nama'y hindi na magkakaanak.Itinapon ako sa malayo,ako'y iniwang nag-iisa.Saan galing ang mga batang iyon?’”
22 Ang sagot ng Panginoong Yahweh sa kanyang bayan:“Huhudyatan ko ang mga bansa,at ang mga anak mo'y iuuwi nila sa iyo.
23 Ang mga hari ay magiging parang iyong amaat ang mga reyna'y magsisilbing ina.Buong pagpapakababang yuyukod sila sa iyobilang tanda ng kanilang paggalang;sa gayon ay malalaman mong ako nga si Yahweh.Hindi mapapahiya ang sinumang magtiwala sa akin.”
24 Mababawi pa ba ang nasamsam ng isang kawal?Maililigtas pa ba ang bihag ng isang taong malupit?