2 Mga salita ko'y ginawa niyang singtalim ng espada,siya ang sa aki'y laging nag-iingat.Ginawa niya akong parang matulis na palasona anumang oras ay handang itudla.
3 Sinabi niya sa akin, “Israel, ikaw ay lingkod ko;sa pamamagitan mo ako'y pupurihin ng mga tao.”
4 Ngunit ang sagot ko, “Ako ay nabigo sa aking pagsisikap,hindi nagtagumpay gayong ibinuhos ko ang aking lakas.”Gayunma'y ipinapaubaya ko kay Yahweh ang aking kalagayan,na ako'y kanyang gagantimpalaan sa aking nakayanan.
5 Bago pa ako ipanganak ay hinirang na ni Yahweh;pinili niya ako para maging lingkod niya,upang tipunin ang bayang Israel na nagkawatak-watak.Binigyan ako ni Yahweh ng karangalan,sa kanya nagbubuhat ang aking kalakasan.
6 Sinabi sa akin ni Yahweh:“Israel na aking lingkod, may mas mahalaga pa akong ipapagawa sa iyo.Bukod sa pagpapanumbalik sa mga Israelitang nalabi,gagawin din kitang liwanag sa mga bansaupang ang buong daigdig ay maligtas.”
7 Ganito ang sinabi ni Yahweh, ang Tagapagligtas ng Israel,sa itinakwil at kinamuhian ng mga bansaat inalipin ng mga pinuno:“Makikita ng mga hari ang pagpapalaya sa iyo;sila'y titindig bilang pagpaparangal sa iyo.At yuyukod ang mga prinsipe bilang paggalang sa iyo,sapagkat hinirang ka ni Yahweh, ang banal na Diyos ng Israel.”
8 Sinabi pa ni Yahweh sa kanyang bayan:“Sa tamang panahon ay tinugon kita,sa araw ng pagliligtas, sinaklolohan kita.Iingatan kita at sa pamamagitan mogagawa ako ng kasunduan sa mga tao,ibabalik kita sa sariling lupainna ngayon ay wasak na.