8 Sinabi pa ni Yahweh sa kanyang bayan:“Sa tamang panahon ay tinugon kita,sa araw ng pagliligtas, sinaklolohan kita.Iingatan kita at sa pamamagitan mogagawa ako ng kasunduan sa mga tao,ibabalik kita sa sariling lupainna ngayon ay wasak na.
9 Palalayain ko ang mga nasa bilangguanat dadalhin sa liwanag ang mga nasa kadiliman.Sila'y matutulad sa mga tupangnanginginain sa masaganang pastulan.
10 Hindi sila magugutom o mauuhaw,hindi rin sila mabibilad sa matinding hangin at nakakapasong init sa disyerto,sapagkat papatnubayan sila ng Diyos na nagmamahal sa kanila.Sila'y gagabayan niya patungo sa bukal ng tubig.
11 Gagawa ako ng daan sa gitna ng kabundukan,at ako'y maghahanda ng lansangan, upang maging daanan ng aking bayan.
12 Darating ang bayan ko buhat sa malayo,mula sa hilaga at sa kanluran,gayon din sa lupain ng Syene sa timog.”
13 O langit, magpuri ka sa tuwa!Lupa, magalak ka, gayundin kayong mga bundok,sapagkat inaaliw ni Yahweh ang kanyang hinirang,sa gitna ng hirap ay kinahahabagan.
14 Ngunit ang sabi ng mga taga-Jerusalem,“Pinabayaan na tayo ni Yahweh.Nakalimutan na niya tayo.”