2 Bakit ang bayan ko'y hindi kumilosnang sila'y lapitan ko para iligtas?Nang ako'y tumawag isa ma'y walang sumagot.Bakit? Wala ba akong lakas para iligtas sila?Kaya kong tuyuin ang dagat sa isang salita lamang.Magagawa kong disyerto ang ilogupang mamatay sa uhaw ang mga isda roon.
3 Ang bughaw na langit ay magagawa kongkasing-itim ng damit-panluksa.”
4 Ang Panginoong Yahweh ang nagturo sa akin ng aking sasabihin,para tulungan ang mahihina.Tuwing umaga'y nananabik akong malamankung ano ang ituturo niya sa akin.
5 Binigyan ako ng Panginoong Yahweh ng pang-unawa,hindi ako naghimagsiko tumalikod sa kanya.
6 Hindi ako gumanti nang bugbugin nila ako,hindi ako kumibo nang insultuhin nila ako.Pinabayaan ko silang bunutin ang aking balbasat luraan ang aking mukha.
7 Hindi ko pinansin ang mga pag-insultong ginawa nila sa akin,sapagkat ang Panginoong Yahweh ang tumutulong sa akin.Handa akong magtiis,sapagkat aking nalalaman na ako'y hindi mapapahiya.
8 Ang Diyos ay malapit,at siya ang magpapatunay na wala akong sala.May mangangahas bang ako'y usigin?Magharap kami sa hukuman,at ilahad ang kanyang paratang.