3 Ang bughaw na langit ay magagawa kongkasing-itim ng damit-panluksa.”
4 Ang Panginoong Yahweh ang nagturo sa akin ng aking sasabihin,para tulungan ang mahihina.Tuwing umaga'y nananabik akong malamankung ano ang ituturo niya sa akin.
5 Binigyan ako ng Panginoong Yahweh ng pang-unawa,hindi ako naghimagsiko tumalikod sa kanya.
6 Hindi ako gumanti nang bugbugin nila ako,hindi ako kumibo nang insultuhin nila ako.Pinabayaan ko silang bunutin ang aking balbasat luraan ang aking mukha.
7 Hindi ko pinansin ang mga pag-insultong ginawa nila sa akin,sapagkat ang Panginoong Yahweh ang tumutulong sa akin.Handa akong magtiis,sapagkat aking nalalaman na ako'y hindi mapapahiya.
8 Ang Diyos ay malapit,at siya ang magpapatunay na wala akong sala.May mangangahas bang ako'y usigin?Magharap kami sa hukuman,at ilahad ang kanyang paratang.
9 Ang Panginoong Yahweh mismo ang magtatanggol sa akin.Sino ang makapagpapatunay na ako ay may sala?Mawawalang lahat ang nagbibintang sa akin,tulad ng damit na nginatngat ng insekto.