6 Sa dakong itaas, sa kalangitan kayo ay tumingin,sa dakong ibaba, dito sa daigdig ay magmasid din.Katulad ng usok, itong kalangita'y pawang maglalaho,at itong daigdig mawawasak namang parang kasuotan.Ang mga naroon, lahat ng nilikha ay parang langaw na mamamatay.Ngunit ang pagliligtas ko ay walang hanggan,ang tagumpay ay walang katapusan.
7 “Ang nakakaalam tungkol sa matuwid, sa aki'y makinig,kayong lingkod ko na tagapag-ingat ng aking kautusan.Hindi kayo dapat matakot sa puna ng tao,o manlupaypay man kung laitin kayo.
8 Katulad ng damit ang mga taong iyan ay masisira,sila'y tulad ng tela na kakainin ng uod;ngunit walang hanggan at para sa lahat ng salinlahiang aking tagumpay at pagliligtas.”
9 Gumising ka, O Yahweh, at tulungan po ninyo kami!Gamitin mo ang iyong kapangyarihan at iligtas mo po kami,tulad noong una.Hindi ba't kayo ang pumuksa kay Rahab, na dambuhala ng karagatan?
10 Kayo rin po ang nagpatuyo sa dagatat gumawa ng daan sa gitna ng tubig,kaya nakatawid nang maayos ang bayang iyong iniligtas.
11 Ang mga tinubos ninyo'y babalik sa Jerusalem,magsisigawan sa galak, umaawit sa tuwa.Ang mamamalas sa kanilang mukha ay walang hanggang galak,at sa puso nila ang lungkot at hapis ay mawawalang lahat.
12 Sinabi ni Yahweh,“Ako ang nagbibigay ng iyong lakas.Bakit ka matatakot sa kapwa mo tao?Mamamatay rin silang tulad ng damo.