4 Ganito ang sabi ng Panginoong Yahweh: “Sa simula, ang mga hinirang ko'y nanirahan sa Egipto bilang mga dayuhan. Pagkatapos, inalipin kayo ng mga taga-Asiria na hindi man lamang binayaran.
5 Ganyan din ang nangyari sa inyo nang kayo'y bihagin sa Babilonia. Binihag kayo at hindi binayaran. Nagmamayabang ang mga bumihag sa inyo. Walang humpay ang kanilang paglait sa aking pangalan.
6 Kaya darating ang araw, malalaman ninyong ako ang Diyos na nagsalita sa inyo.”
7 O kay gandang pagmasdan sa mga kabundukan,ang sugong dumarating upang ipahayag ang kapayapaan,at nagdadala ng Magandang Balita.Ipahahayag niya ang tagumpay at sasabihin:“Zion, ang Diyos mo ay naghahari!”
8 Narito! Sisigaw ang nagbabantay,dahil sa galak, sama-sama silang aawit;makikita nila si Yahweh na babalik sa Zion.
9 Magsiawit kayo,mga guhong pader nitong Jerusalem;sapagkat inaliw ng Diyos ang hinirang niyang bayan;iniligtas na niya itong Jerusalem.
10 Sa lahat ng bansa, makikita ng mga nilalang,ang kamay ni Yahweh na tanda ng kalakasan;at ang pagliligtas ng ating Diyos tiyak na mahahayag.