7 “Siya ay binugbog at pinahirapan,ngunit hindi kumibo kahit isang salita;tulad ay tupang nakatakdang patayin,parang korderong hindi tumututol kahit na gupitan,at hindi umiimik kahit kaunti man.
8 Nang siya'y hulihin at hatulan upang mamatay,wala man lamang nagtanggol sa kanyang kalagayan.Siya ay pinatay dahil sa sala ng sangkatauhan.
9 Siya'y inilibing na kasama ng masasama at mayayaman,kahit na siya'y walang kasalanano nagsabi man ng kasinungalingan.”
10 Sinabi ni Yahweh,“Ang kanyang paghihirap ay kalooban ko;ang kanyang kamatayan ay handog para sa kapatawaran ng kasalanan.Dahil dito'y mabubuhay siya nang matagal,makikita ang lahing susunod sa kanya.At sa pamamagitan niya'y maisasagawa ang aking panukala.
11 Pagkatapos ng mahabang pagdurusa, muli siyang lalasap ng ligaya;malalaman niyang hindi nawalan ng kabuluhan ang kanyang pagtitiis.Ang tapat kong lingkod na lubos kong kinalulugdanang siyang tatanggap sa parusa ng marami,at alang-alang sa kanya sila'y aking patatawarin.
12 Dahil dito siya'y aking pararangalan,kasama ng mga dakila at makapangyarihan;sapagkat kusang-loob niyang ibinigay ang sariliat nakibahagi sa parusa ng masasama.Inako niya ang mga makasalananat idinalanging sila'y patawarin.”