1 Ang sabi ni Yahweh sa kanyang bayan:“Panatilihin ang katarungan at gawin ang tama,sapagkat ang pagliligtas ko'y hindi na magtatagal,at ang aking tagumpay ay mahahayag na.
2 Mapalad ang taong nagsasagawa nito,siya na tumatalima sa tuntuning ito.Iginagalang niya ang Araw ng Pamamahinga,at lumalayo sa gawang masama.”
3 Hindi dapat sabihin ng isang dayuhang nakipagkaisa sa bayan ng Diyos,na siya'y hindi papayagan ni Yahweh na makisama sa pagsamba ng kanyang bayan.Hindi dapat isipin ng mga eunuko na hindi sila karapat-dapat na mapabilang sa bayan ng Diyossapagkat hindi sila magkakaanak.
4 Ang sabi ni Yahweh:“Sa mga eunukong gumagalang sa Araw ng Pamamahinga,na gumagawa ng mga bagay na nakalulugod sa akinat tapat na iniingatan ang aking kasunduan.
5 Ang pangalan mo'y aalalahanin sa aking Templo at sa gitna ng aking bayannang mas matagal kaysa paggunita sa iyo,kung ikaw ay nagkaroon ng mga anak.Hindi ka malilimot kahit kailan.”