2 Mapalad ang taong nagsasagawa nito,siya na tumatalima sa tuntuning ito.Iginagalang niya ang Araw ng Pamamahinga,at lumalayo sa gawang masama.”
3 Hindi dapat sabihin ng isang dayuhang nakipagkaisa sa bayan ng Diyos,na siya'y hindi papayagan ni Yahweh na makisama sa pagsamba ng kanyang bayan.Hindi dapat isipin ng mga eunuko na hindi sila karapat-dapat na mapabilang sa bayan ng Diyossapagkat hindi sila magkakaanak.
4 Ang sabi ni Yahweh:“Sa mga eunukong gumagalang sa Araw ng Pamamahinga,na gumagawa ng mga bagay na nakalulugod sa akinat tapat na iniingatan ang aking kasunduan.
5 Ang pangalan mo'y aalalahanin sa aking Templo at sa gitna ng aking bayannang mas matagal kaysa paggunita sa iyo,kung ikaw ay nagkaroon ng mga anak.Hindi ka malilimot kahit kailan.”
6 Ito naman ang sabi ni Yahweh sa mga dating dayuhan na ngayo'y kabilang sa kanyang bayan,buong pusong naglilingkod sa kanya,iginagalang ang Araw ng Pamamahinga,at matapat na nag-iingat sa kanyang tipan:
7 “Dadalhin ko kayo sa banal na bundok.Ipadarama ko sa inyo ang kagalakan sa aking Templo.Malulugod ako sa inyong mga handog;at ang aking tahanan ay tatawaging bahay-dalanginan ng lahat ng bansa.”
8 Ipinangako pa ng Panginoong Yahweh,sa mga Israelitang ibinalik niya mula sa pagkatapon,na marami pa siyang isasama sa kanilapara mapabilang sa kanyang bayan.