13 Ang diyus-diyosang tinatawag ninyo'y hindi makatutulong o makakapagligtas, kahit kayo'y managhoy;ang mga diyos ninyo'y lilipad kung hangin ay umihip,kaunting ihip lamang, sila'y itataboy.Subalit ang taong sa aki'y may tiwala at laging umaasa,ang banal na bundok at ang lupaing ito'y mamanahin niya.”
14 Ang sabi ni Yahweh:“Ang mga hinirang ay inyong bayaang magbalik sa akin,ang bawat hadlang sa daan ay inyong alisin; ang landas ay gawin at inyong ayusin.”
15 “Ako ang Kataas-taasan at Banal na Diyos,ang Diyos na walang hanggan.Matataas at banal na lugar ang aking tahanan,sa mababang-loob at nagsisisi, ako ay sasama,aking ibabalik ang pagtitiwala nila at pag-asa.
16 Ako ang nagbigay ng buhay sa aking bayan,sila'y hindi ko patuloy na uusigin;at ang galit ko sa kanila'yhindi mananatili sa habang panahon.
17 Nagalit ako sa kanila dahil sa kanilang kasalana't kasakiman,kaya sila'y aking itinakwil.Ngunit matigas ang kanilang ulo at patuloy na sumuway sa akin.
18 Sa kabila ng ginawa nila, sila'y aking pagagalingin at tutulungan,at ang nagluluksa'y aking aaliwin.
19 Bibigyan ko ng kapayapaan ang lahat, maging nasa malayo o nasa malapit man.Aking pagagalingin ang aking bayan.