7 Sa tuktok ng bundok,kayo'y umaahon upang maghandog,at makipagtalik.
8 Pagpasok ng pinto,nagtayo kayo roon ng diyus-diyosan,ako'y nilimot ninyo at inyong nilayasan.Lubos kayong nag-alis ng suot ninyong damit;sa inyong higaa'y nakipagtalik sa mga lalaking inyong inupahan.Kayo ay natulog na kasama nila para pagbigyan ang inyong pagnanasa.
9 Kayo ay nagtungo sa hari na may dalang langis ng olibo,at dinagdagan ninyo ang inyong pabango;kayo ay nagsugo sa malayong lugarat kayo mismo ang lumusong sa daigdig ng mga patay.
10 Lubha kayong nagpagod sa maraming lakbayin,at kailan ma'y hindi sinabi na wala na itong pag-asa.Kayo ay nagpanibagong-lakas,at dahil dito ay hindi nanghina.
11 Ang tanong ni Yahweh, “Sino ba ang inyong kinatatakutankaya nagsinungaling kayo sa akinat lubusang tumalikod?Matagal ba akong nanahimikkaya kayo tumigil ng pagpaparangal sa akin?
12 Akala ninyo'y tama ang inyong ginagawa.Ibubunyag ko ang masama ninyong gawa;at tingnan ko lang kung tutulungan kayo ng mga diyus-diyosang iyan.
13 Ang diyus-diyosang tinatawag ninyo'y hindi makatutulong o makakapagligtas, kahit kayo'y managhoy;ang mga diyos ninyo'y lilipad kung hangin ay umihip,kaunting ihip lamang, sila'y itataboy.Subalit ang taong sa aki'y may tiwala at laging umaasa,ang banal na bundok at ang lupaing ito'y mamanahin niya.”