Isaias 58:4-10 MBB05

4 Ang pag-aayuno ninyo'y humahantong lamang sa karahasan,kayo'y nagkakagalit at naglalaban-laban.Hindi tunay ang pag-aayunong ginagawa ninyo ngayon,kaya tiyak na hindi ko papakinggan, ang inyong mga dalangin sa akin.

5 Ganyan ba ang pag-aayunong aking kaluluguran?Iyan ba ang araw na talagang nagpapakumbabá ang mga tao?Hinihiling ko ba na yumuko kayong tulad ng damong hinihipan ng hangin,o mahiga kayo sa sako at abo?Pag-aayuno na ba ang tawag ninyo diyan,isang araw na nakalulugod kay Yahweh?

6 “Ganitong pag-aayuno ang gusto kong gawin ninyo:Palayain ninyo ang mga di-makatarungang ipinabilanggo;kalagin ninyo ang tanikala ng inyong mga inalipin.Palayain ninyo ang mga inaapi,at baliin ang mga pamatok ng mga alipin.

7 Ang mga nagugutom ay inyong pakainin,ang mga walang tirahan ay inyong patuluyin.Ang mga walang maisuot ay inyong bigyan ng mga damit.At sa mga nangangailangang mga kamag-anak ay huwag kayong magkakait.

8 Kung magkagayon, sisikat ang liwanag sa inyo, at matutulad kayo sa bukang-liwayway,hindi magtatagal at manunumbalik ang inyong kalusugan.Mahahayag sa inyong unahan ang mabubuti ninyong gawa,at sa inyong hulihan ay papatnubayan kayo ng kaluwalhatian ni Yahweh.

9 Sa araw na iyon, diringgin ni Yahweh ang inyong dalangin;kapag kayo'y humingi ng tulong, sasabihin niya, ‘Naririto ako.’“Kapag itinakwil ninyo ang pang-aapi,maling pagbibintang at pagsisinungaling;

10 kapag ang nagugutom ay kusang-loob ninyong pakakainin,at tutulungan ang mahihirap,sisikat ang liwanag sa inyong nasa kadiliman,at ang inyong kapanglawan ay magliliwanag gaya ng sa katanghaliang-tapat.