5 Mga itlog ng ahas ang kanilang pinipisa,mga sapot ng gagamba ang kanilang hinahabi.Sinumang kumakain ng itlog na ito'y mamamatay;bawat napipisa ay isang ulupong ang lumilitaw.
6 Hindi magagawang damit ang mga sapot,hindi nito matatakpan ang kanilang mga katawan.Ang mga ginagawa nila'y kasamaan,pawang karahasan ang gawa ng kanilang mga kamay.
7 Mabilis ang kanilang paa sa paggawa ng masama,nagmamadali sila sa pagpatay ng mga walang sala;pawang kasamaan ang kanilang iniisip.Bakas ng pagkawasak ang kanilang iniiwan sa kanilang malalawak na lansangan.
8 Hindi nila alam ang landas patungo sa kapayapaan,wala silang patnubay ng katarungan;liku-likong landas ang kanilang ginagawa;ang nagdaraan doo'y walang kapayapaan.
9 Dahil dito, ang katarungan ay malayo sa amin,hindi namin alam kung ano ang katuwiran.Alam na namin ngayon kung bakit hindi kami iniligtas ng Diyos, sa mga nagpahirap sa amin.Umasa kaming liwanag ay darating, ngunit kadiliman ang aming kinasadlakan.
10 Tulad nami'y bulag na nangangapa sa paglakad,nadarapa kami tulad ng mga walang paningin.Sa katanghaliang-tapat, kami'y natatalisod na para bang gabi na,parang kami'y nasa dilim tulad ng mga patay.
11 Umuungal tayong lahat na gaya ng mga oso;dumaraing tayo at nagdadalamhati tulad ng mga kalapati.Ang hinihintay nating katarungan ay hindi dumarating.Nais nating maligtas sa kaapihan at kahirapan ngunit ang kaligtasan ay malayo.