1 Bumangon ka, Jerusalem, at sumikat na tulad ng araw.Liliwanagan ka ng kaluwalhatian ni Yahweh.
2 Mababalot ng kadiliman ang buong daigdig;ngunit ikaw ay liliwanagan ni Yahweh,at mapupuspos ka ng kanyang kaluwalhatian.
3 Ang mga bansa ay lalapit sa iyong liwanag,ang mga hari ay pupunta sa ningning ng iyong pagsikat.
4 Pagmasdan mo ang iyong kapaligiran,ang lahat ay nagtitipun-tipon upang magtungo sa iyo;manggagaling sa malayo ang mga anak mong lalaki;ang mga anak mong babae'y kakargahing parang mga bata.