11 Ang mga pintuan mo'y aking ibubukas araw at gabi,upang dito papasok ang mga hari ng mga bansa,at dalhin sa iyo ang kanilang mga kayamanan.
12 Ngunit ang bansa o kahariang hindi maglilingkod sa iyo ay ganap na wawasakin.
13 At ang kayamanan ng Lebanon ay magiging iyo;sama-samang pagagandahin ang aking santuwaryo;sa pamamagitan ng mga kahoy na mahuhusay, tulad ng sipres, pino at iba pa.Upang lalong maging maningning ang aking tahanan.
14 Nakayukong lalapit sa iyo bilang paggalangang mga salinlahi ng mga bansang sa iyo'y umapi;hahalik sa iyong paa ang mga humahamak sa iyo,at tatawagin ka nilang, ‘Zion, ang lunsod ni Yahweh, ang Banal na Diyos ng Israel.’
15 “Hindi na kita pababayaan at kapopootan o iiwang mag-isa.Ikaw ay kanilang itataas at dadakilain;magiging lugar ng kaligayahan magpakailanman.
16 Aalagaan ka ng mga hari't mga bansa,tulad ng pag-aalaga ng isang ina sa kanyang anak.Malalaman mong akong si Yahweh ang iyong Tagapagligtas;at palalayain ka ng Makapangyarihang Diyos ni Jacob.
17 “Sa halip na tanso ay bibigyan kita ng gintong dalisay,pilak ang bigay ko sa halip na bakal;sa halip na kahoy, tanso ang dala ko,papalitan ko ng bakal ang dati'y bato.Ang kapayapaan ay paghahariin sa iyo,at ang katarungan ay mararanasan mo.