1 Ang Espiritu ng Panginoong Yahweh ay sumasaakin sapagkat ako'y kanyang hinirang;sinugo niya ako upang dalhin ang Magandang Balita sa mga inaapi,upang pagalingin ang mga sugatang-puso,upang ipahayag sa mga bihag at sa mga bilanggo na sila'y lalaya.
2 Sinugo niya ako upang ipahayagna darating na ang panahon ng pagliligtas ni Yahweh;at ang paghihiganti ng Diyos laban sa kanyang mga kaaway;sinugo niya ako upang aliwin ang mga nagluluksa;
3 upang pasayahin ang mga tumatangis sa Zion,kaligayahan sa halip na bigyan ng kapighatian,awit ng kagalakan sa halip na kalungkutan;matutulad sila sa mga punong itinanim ni Yahweh,na ginagawa kung ano ang makatuwiran,at maluluwalhati ang Diyos dahil sa kanilang ginawa.
4 Muli nilang itatayo ang mga sirang lunsod, na napakatagal nang wasak at tupok.
5 Paglilingkuran kayo ng mga dayuhan,at sila ang magpapastol ng inyong mga kawan;mga dayuhan din ang magsasaka ng inyong lupain at mag-aalaga ng inyong ubasan.
6 Ngunit kayo nama'y tatawaging mga pari ni Yahweh,at makikilalang mga lingkod ng ating Diyos.Pagpipistahan ninyo ang kayamanan ng mga bansa.Ipagmamalaking inyo na ang karangyaang dati'y sa kanila.