11 Pagkatapos, naalala nila ang panahon ni Moises,ang lingkod ni Yahweh.Ang tanong nila, “Nasaan na si Yahweh, na nagligtas sa mga pinuno ng kanyang bayan nang sila'y tumawid sa Dagat ng mga Tambo?Nasaan na si Yahweh, na nagbigay ng kanyang banal na Espiritu kay Moises?
12 Sa pangalan ni Yahweh, hinawi ni Moises ang tubig ng dagat,kaya ang Israel doon ay naligtas.At siya ay natanyag sa lahat para sa kanyang sarili.”
13 Natawid nila ang karagatan sa tulong ni Yahweh,parang kabayong matatag na hindi nabuwal.
14 Kung paanong ang kawan ay dinadala sa sariwang pastulan,ang Espiritu ni Yahweh ang nagbigay ng kapahingahan sa kanyang bayan,at sila'y ginabayan upang siya ay maparangalan.
15 Magmula sa langit tunghayan mo kami Yahweh,at iyong pagmasdan mula sa iyong dakila at banal na trono.Saan ba naroon ang malasakit mo at kapangyarihan?Pag-ibig mo at kahabagan,huwag kaming pagkaitan.
16 Kung walang nagawa sa amin si Jacob at Abraham,ikaw lamang, Yahweh, ang aming pag-asa at Amang aasahan;tanging ikaw lamang ang nagliligtas ng aming buhay.
17 Bakit ba, O Yahweh, kami'y tinulutang maligaw ng landas,at ang puso nami'y iyong hinayaang maging matigas?Balikan mo kami at iyong kaawaan,mga lingkod mo na tanging iyo lamang.