8 Sinabi ni Yahweh, “Sila ang bayan ko na aking hinirang,kaya hindi nila ako pagtataksilan.”Iniligtas niya sila
9 sa kapahamakan at kahirapan.Hindi isang anghel,kung hindi si Yahweh mismo ang nagligtas sa kanila;iniligtas sila dahil sa pag-ibig niya't habag,na sa simula pa ay kanya nang ipinakita.
10 Ngunit sa kabila nito, sila'y naghimagsikat pinighati nila ang kanyang banal na Espiritu;dahil doon naging kaaway nila si Yahweh.
11 Pagkatapos, naalala nila ang panahon ni Moises,ang lingkod ni Yahweh.Ang tanong nila, “Nasaan na si Yahweh, na nagligtas sa mga pinuno ng kanyang bayan nang sila'y tumawid sa Dagat ng mga Tambo?Nasaan na si Yahweh, na nagbigay ng kanyang banal na Espiritu kay Moises?
12 Sa pangalan ni Yahweh, hinawi ni Moises ang tubig ng dagat,kaya ang Israel doon ay naligtas.At siya ay natanyag sa lahat para sa kanyang sarili.”
13 Natawid nila ang karagatan sa tulong ni Yahweh,parang kabayong matatag na hindi nabuwal.
14 Kung paanong ang kawan ay dinadala sa sariwang pastulan,ang Espiritu ni Yahweh ang nagbigay ng kapahingahan sa kanyang bayan,at sila'y ginabayan upang siya ay maparangalan.