3 Ginagawa ng tao ang kanyang maibigan,at matutuwa pang gumawa ng kasamaan.Para sa kanya ay walang kaibahan ang handog na toro o kaya ay tao;ang handog na tupa o patay na aso;ang handog na pagkaing butil o dugo ng baboy;ang pagsusunog ng insenso o ang pagdarasal sa diyus-diyosan.Natutuwa sila sa nakakahiyang pagsamba.
4 Dahil dito, ipararanas ko sa kanilaang kapahamakang kinatatakutan nila.Sapagkat nang ako'y tumawag walang tumugon kahit na isa;nang ako'y magsalita, walang gustong makinig.Ginusto pa nila ang sumuway sa akinat gumawa ng masama.”
5 Pakinggan ninyo si Yahweh,kayong natatakot at sumusunod sa kanyang salita:“Kinamumuhian at itinataboy kayo ng inyong sariling kababayan, nang dahil sa akin;at sinasabi pa nila, ‘Ipakita ni Yahweh ang kanyang kadakilaan at iligtas niya kayopara makita namin kayong natutuwa.’Ngunit mapapahiya sila sa kanilang sarili.
6 Pakinggan ninyo at sa lunsod ay nagkakagulo,at mayroong ingay na buhat sa Templo!Iyon ay likha ng pagpaparusa ni Yahweh sa kanyang mga kaaway!
7 “Ang aking banal na lunsod ay parang babaing biglang nanganak;kahit hindi pa sumasakit ang kanyang tiyan,isang lalaki ang kanyang inianak.
8 May nabalitaan na ba kayo o nakitang ganyan?Isang bansang biglang isinilang?Ang Zion ay hindi maghihirap nang matagalupang ang isang bansa ay kanyang isilang.”
9 Ang sabi ni Yahweh:“Huwag ninyong isipin na ang bayan ko'yhahayaang umabot sa panahong dapat nang iluwal,at pagkatapos ay pipigilin sa pagsilang.”