2 Ikuha mo ako ng dalawang saksing mapagkakatiwalaan: ang paring si Urias at si Zacarias na anak ni Jeberequias.”
3 Sinipingan ko ang aking asawa. Siya'y naglihi at nanganak ng isang lalaki. At sinabi sa akin ni Yahweh: “Ang ipangalan mo sa kanya'y Maher-salal-has-baz.
4 Sapagkat bago pa siya matutong tumawag ng ‘Tatay’ o ‘Nanay,’ ang kayamanan ng Damasco at ang mga nasamsam ng Samaria ay dadalhin ng hari ng Asiria.”
5 Sinabi pa sa akin ni Yahweh:
6 “Sapagkat tinanggihan ng bayang ito ang tubig ng Siloe na umaagos nang banayad,at nangangatog sila sa harapan ni Rezin, at ng anak ni Remalias;
7 ipadadala sa kanila ng Panginoon ang hari ng Asiria at ang kanyang mga hukbo,na lulusob tulad ng malakas na agos ng Ilog Eufrates.
8 Parang baha ito na aagos sa Juda,tataas ang tubig nang hanggang leeg, at lalaganap ito sa buong lupain mo, O Emmanuel.”