9 Magsama-sama man kayo mga bansa ay mawawasak din kayo!Makinig kayo, mga bansang nasa malalayong dako.Maghanda man kayo sa pakikipaglaban ay matatakot din kayo.
10 Magplano man kayo, tiyak na kayo'y mabibigo;magpulong man kayo, wala ring mangyayari,sapagkat ang Diyos ay kasama namin.
11 Sa pamamagitan ng kanyang dakilang kapangyarihan, binalaan ako ni Yahwehna huwag kong sundan ang mga landas na dinadaanan ng mga taong ito.
12 Sinabi niya, “Huwag kayong maniwala sa sabwatan na sinasabi ng bansang ito;huwag kayong matakot sa kanilang kinatatakutan.
13 Ngunit si Yahweh, ang Makapangyarihan sa lahat, ang dapat ninyong kilalanin bilang Banal.Siya ang dapat ninyong igalang at dapat katakutan.
14 Sa dalawang kaharian ng Israel,siya'y magiging isang santuwaryo, isang batong katitisuran;bitag at patibong para sa mga naninirahan sa Jerusalem.
15 Dahil sa kanya, marami ang babagsak, mabubuwal at masusugatan;marami rin ang masisilo at mahuhulog sa bitag.”