23 Ang paggawa ng kasalanan ay kasiyahan ng masama,ngunit ang mabuting asal, kasiyahan ng may unawa.
24 Ang kinatatakutan ng masama ay magaganap sa kanya,ngunit ang hangarin ng matuwid ay matatamo niya.
25 Tinatangay ng hangin ang taong masama,ngunit ang matuwid ay gusaling di magiba.
26 Kung paanong ang usok ay nakakaluha, ang suka ay nakakangilo,gayon ang tamad na alipin, sa kanilang mga amo.
27 Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay nagpapahaba ng buhay,ngunit ang mga araw ng masama ay di magtatagal.
28 Ang pag-asa ng matuwid ay may magandang kahinatnan,ngunit ang pag-asa ng masama, ang dulot ay kabiguan.
29 Si Yahweh ay kanlungan ng mga taong matuwid,ngunit kaaway sila ng taong masama ang hilig.