26 Kung paanong ang usok ay nakakaluha, ang suka ay nakakangilo,gayon ang tamad na alipin, sa kanilang mga amo.
27 Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay nagpapahaba ng buhay,ngunit ang mga araw ng masama ay di magtatagal.
28 Ang pag-asa ng matuwid ay may magandang kahinatnan,ngunit ang pag-asa ng masama, ang dulot ay kabiguan.
29 Si Yahweh ay kanlungan ng mga taong matuwid,ngunit kaaway sila ng taong masama ang hilig.
30 Ang matuwid ay mananatili sa kanyang dako,ngunit ang masama, kung saan-saan matutungo.
31 Ang salita ng matuwid ay nagpapakilala ng karunungan,ngunit ang dilang sinungaling ay puputulin naman.
32 Ang salita ng matuwid ay palaging angkop,ngunit ang salita ng masama ay puro paninira.