9 Ang namumuhay nang tapat ay pinaghaharian ng kapayapaan,ngunit ang may likong landas ay malalantad balang araw.
10 Ang malilikot na mata ay lagi sa kaguluhan,at ang bibig na maluwang, hahantong sa kapahamakan.
11 Ang bibig ng matuwid ay bukal ng buhay,ngunit labi ng masama ay nagtatakip ng karahasan.
12 Sari-saring kaguluhan ang bunga ng kapootan,ngunit ang pag-ibig ay pumapawi sa lahat ng kasalanan.
13 Sa labi ng may unawa matatagpuan ang karunungan,ngunit sa likod ng isang mangmang, pamalo ang kailangan.
14 Ang taong matalino'y nag-iimpok ng karunungan,ngunit ang salita ng mangmang ay nagdadala ng kapahamakan.
15 Ang kayamanan ng mayama'y matibay niyang tanggulan,ngunit ang kahirapan ng yagit ay kanyang kapahamakan.