12 Ayaw mapagsasabihan ang mga palalo,at sa matatalino'y di hihingi ng payo.
13 Ang taong masayahin ay laging nakangiti,ngunit ang may lumbay ay wari bang nakangiwi.
14 Ang taong may unawa ay naghahangad pa ng karunungan,ngunit ang mangmang ay nasisiyahan na sa kanyang kahangalan.
15 Lahat ng araw ng mahirap ay puno ng pakikipagbaka,ngunit ang masayahin, saganang piging ang kagaya.
16 Ang mahirap na gumagalang at sumusunod kay Yahweh,ay mas mainam kaysa mayamang panay hirap naman ang kalooban.
17 Mas masarap ang isang plato ng gulay na inihaing may pag-ibigkaysa isang matabang baka na inihaing may galit.
18 Ang mainit na ulo ay humahantong sa alitan,ngunit pumapayapa sa kaguluhan ang mahinahong isipan.