25 May daang matuwid sa tingin ng tao,ngunit kamatayan ang dulo nito.
26 Dahil sa pagkain ang tao'y nagsisikap;upang ang gutom ay bigyan ng lunas.
27 Ang laman ng isip ng tampalasan ay puro kasamaan,ang kanyang mga labi ay parang nakakapasong apoy.
28 Ang taong baluktot ang isipan ay naghahasik ng kaguluhan,at sinisira naman ng tsismis ang magandang samahan.
29 Tinutukso ng taong liko ang kanyang kapwa,at ibinubuyo sa landas na masama.
30 Mag-ingat ka sa taong pangiti-ngiti at kikindat-kindat;pagkat tiyak na mayroon siyang masamang binabalak.
31 Ang mga uban ay putong ng karangalan,ito ay natamo sa matuwid na pamumuhay.