1 Kahit tinapay ang kinakain ngunit may kapayapaan,mabuting di hamak kaysa malaki ngunit magulong handaan.
2 Ang tusong alipin ay makakahati pa sa mamanahin,ng anak ng kanyang amo kung ito'y inutil.
3 Dinadalisay sa apoy ang ginto at pilak,ngunit sa puso ng tao'y si Yahweh ang sumisiyasat.
4 Ang taong masama ay nakikinig sa payo ng masama,at ang sinungaling ay sumusunod sa baluktot na dila.
5 Ang nanlalait sa mahirap ay humahamak sa Maykapal,at ang nagagalak sa kapahamakan ng iba'y mayroon ding pananagutan.
6 Ang mga apo ay putong ng katandaan;ang karangalan ng mga anak ay ang kanilang magulang.