10 Ang matalino'y natututo sa isang salitangunit ang mangmang ay hindi, hampasin mang walang awa.
11 Ang nais ng masama'y paghihimagsik,kaya ipadadala sa kanya'y isang sugong malupit.
12 Mabuti pang harapin ang inahing osong inagawan ng anakkaysa kausapin ang isang mangmang na lublob sa kahangalan.
13 Kapag masama ang iginanti sa mabuting ginawa,ang kapahamakan sa buhay ay di mawawala.
14 Ang simula ng kaguluha'y parang butas sa isang dike;na dapat ay sarhan bago ito lumaki.
15 Ang humahatol sa walang kasalanan at ang umaayon sa kasamaan,kay Yahweh ay kapwa kasuklam-suklam.
16 Walang katuturan ang gumugol para sa pag-aaral,ng isang taong pumili na siya'y maging mangmang.