16 Walang katuturan ang gumugol para sa pag-aaral,ng isang taong pumili na siya'y maging mangmang.
17 Ang kaibigan ay nagmamahal sa lahat ng panahon,at sa oras ng kagipita'y kapatid na tumutulong.
18 Ang mangangakong magbayad para sa utang ng iba,kamangmangang maituturing ang kanyang ginagawa.
19 Ang umiibig sa kaguluhan ay umiibig sa kasalanan;at ang mayayabang ay naghahanap ng kapahamakan.
20 Ang masamang isipan ay hindi uunlad,ang sinungaling ay aabot sa kasawiang-palad.
21 Ang mga magulang ng anak na mangmang,sakit sa damdamin ang nararanasan.
22 Ang pagkamasayahin ay mabuti sa katawan,at ang malungkuti'y unti-unting namamatay.