20 Ang masamang isipan ay hindi uunlad,ang sinungaling ay aabot sa kasawiang-palad.
21 Ang mga magulang ng anak na mangmang,sakit sa damdamin ang nararanasan.
22 Ang pagkamasayahin ay mabuti sa katawan,at ang malungkuti'y unti-unting namamatay.
23 Ang katarungan ay hindi nakakamtan,kung itong masama, suhol ay patulan.
24 Karunungan ang pangarap ng taong may unawa,ngunit ang isip ng mangmang ay pagala-gala.
25 Ang hangal na anak ay problema ng kanyang amaat pabigat sa damdamin ng kanyang ina.
26 Ang pagpaparusa sa matuwid ay hindi makatuwiran,maging ang pagpapahirap sa taong buhay marangal.