1 Ang taong makasarili ay humihiwalay sa karamihan,at salungat sa lahat ng tamang isipan.
2 Walang saysay sa mangmang ang lahat ng bagay,ang nais lang niya'y ipakitang siya'y may alam.
3 Pagsipot ng kasamaan, kasunod ay kahihiyan;kapag nawala ang karangalan, kapalit ay kadustaan.
4 Ang wika ng tao ay bukal ng karunungan,parang dagat na malalim at malamig na batisan.
5 Ang pagkiling sa may sala ay isang kamalian;gayundin naman kung ipagkakait ang katarungan.
6 Ang labi ng mangmang, bunga ay alitan,at ang kanyang bibig, hatid ay kaguluhan.