2 Ang pakinig mo'y ibaling sa wastong karunungan,at ito ay isipin nang iyong maunawaan.
3 Pagsikapan mong hanapin ang tunay na kaalaman,pang-unawa'y pilitin mong makita at masumpungan.
4 Kung ito ay parang pilak na iyong hahanapin,at tulad ng ginto, na iyong miminahin,
5 malalaman mo kung ano ang kahulugan ng paggalang at pagsunod kay Yahweh,at matatamo ang kaalaman tungkol sa Diyos.
6 Sapagkat si Yahweh ang nagkakaloob ng karunungan,sa bibig niya ang kaalaman at unawa'y bumubukal.
7 Bibigyan niya ng unawa ang matuwid ang pamumuhay,at ang taong matapat ay kanyang iingatan.
8 Binabantayan niya ang daan ng katarungan,at ang lakad ng lingkod niya'y kanyang sinusubaybayan.