20 Tatlumpu ang kawikaang ito. Bawat isa ay magandang panuntunan at magdudulot ng kaalaman.
21 Ituturo nito sa iyo kung ano ang katotohanan. Sa gayon, may maisasagot ka kung may magtanong sa iyo.
22 Huwag mong samantalahin ang kahinaan ng mahihirap, ni pagmalabisan ang dukha sa harap ng hukuman.
23 Sapagkat ipagtatanggol sila ni Yahweh, at aagawan niya ang nang-agaw sa mga iyon.
24 Huwag kang makipagkaibigan sa taong bugnutin, ni makisama sa taong magagalitin,
25 baka mahawa sa kanila at sa bitag ay masilo.
26 Huwag kang mangangako para sa utang ng iba, ni gumarantiya para sa kanya.