7 Ang mahirap ay nasa kapangyarihan ng mayaman,ang nangangailangan ay alipin ng nagpapahiram.
8 Ang naghahasik ng kasamaan ay mag-aani ng kamalasan,at hindi magtatagal ang kanyang kasamaan.
9 Ang mahirap ay bahaginan mo ng pagkain,at tiyak na ikaw ay pagpapalain.
10 Palayasin mo ang mga sulsol at mawawala ang alitan,at matitigil ang kaguluhan pati pag-aaway.
11 Ang magiliw mangusap at may pusong dalisay,pati ang hari'y magiging kaibigan.
12 Binabantayan ni Yahweh ang mga nag-iingat ng kaalaman,ngunit di niya pinagtatagumpay ang salita ng mga mangmang.
13 Ang tamad ay ayaw lumabas ng bahay,ang idinadahila'y may leon sa daan.